Patuloy na magdadala ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas ang binabantayang LPA o Low Pressure Area sa loob ng bansa at ang umiiral na hanging habagat.
Ayon sa PAG-ASA, huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometro silangan timog silangan ng Casiguran, Aurora.
Dahil dito, makararanas ng maulap na kalangitan na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang bahagi ng Bicol region, lalawigan ng Marinduque at Romblon.
Habang asahan naman ang kalat-kalat na pag-uulan na may kasamang pag-kulog at pagkidlat sa bahagi ng Palawan, Mindoro at Western Visayas dahil sa epekto ng habagat.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon, nalalabing bahagi ng Visayas at buong Mindanao maliban na lamang sa mga localized thunderstorms.