Ganap nang isang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa silangan ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, ang tropical depression na tinawag na ‘Auring’ ay huling namataan sa layong 260 kilometro silangan timogsilangan ng Hinatuan Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 55 kilometro kada oras.
Inaasahang gagalaw ang bagyo pa-West Northwest sa bilis na 7 kph.
Nakataas na ngayon ang tropical cyclone warning signal number 1 sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Island.
Inaasahang magla-landfall ang bagyong Auring sa probinsya ng Surigao sa Linggo o Lunes ng madaling araw.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang mga residente sa apektadong mga lugar na maging alerto sa posibleng landslides at flashfloods.
By Aiza Rendon