Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang LPA o Low Pressure Area sa hilagang bahagi ng bansa.
Ayon sa PAGASA, dakong alas 8:00 ng umaga nang ganap na mabuo ang Bagyong “Isang” na namataan sa layong 735 kilometro silangan ng Basco Batanes.
Taglay ng Bagyong “Isang” ang hanging aabot sa 55 kilometers per hour na may pagbugsong 65 kilometers per hour.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran hilagang kanluran ng Batanes sa bilis na 19 na kilometro kada oras.
Malaki ang posibilidad na mag-landfall ang Bagyong “Isang” sa Batanes bukas at inaasahang lalabas na ng PAR o Philippine Area of Responsibility sa Martes ng gabi.
Kasalukuyang nakataas naman ang storm signal number 1 sa bahagi ng Batanes Group of Islands at Babuyan Group of Islands.