(As of 5:00 PM)
Ganap nang tropical depression ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pinangalanang ‘Urduja’.
Huling namataan ang tropical depression Urduja sa layong 480 kilometro ng East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 65 kilometro kada oras.
Ang tropical depression Urduja ay kumikilos papuntang North Northwest sa bilis na 6 kilometro kada oras.
Ipinabatid ng PAGASA na inaasahang lalakas pa ang naturang tropical storm sa loob ng 36 na oras.