(As of 5PM)
Ganap nang tropical depression ang pumasok na low pressure area (LPA) sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bago ang pagsalubong sa bagong taong 2018, at pinangalanang ‘Agaton’.
Huling namataan ang sentro ng tropical depression Agaton sa layong 175 kilometro ng East Northeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang lakas ng hanging umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 60 kilometro kada oras.
Ang tropical depression Agaton ay kumikilos papuntang kanluran sa bilis na 19 kilometro kada oras.
Isinailalim sa tropical cyclone warning Signal No. 1 ang Southern Leyte Surigao del Norte including Siargao Island, Surigao del Sur, Dinagat Island, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao Oriental, Davao del Norte, Davao del Sur, North Cotabato, Compostela Valley, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Camiguin, at Bukidnon.
Ipinabatid ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na inaasahang magla-landfall ang tropical depression Agaton sa Caraga area ngayong gabi o bukas ng umaga.