Isa nang ganap na bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA ) ng PAGASA malapit sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa weather bulletin na pinalabas ng PAGASA, lumakas ang binantayang Low Pressure Area at ganap na itong naging tropical depression.
Pinangalang bagyong Nando ang nasabing ika-14 na bagyong pumasok sa Philippine Area of Responsibility o PAR ngayong taon.
Nakita si bagyong Nando 280 kilometers west northwest ng Dagupan City. Bitbit nito ang may lakas na hangin na 45 hanggang sa 60 kilometero kada oras. Inaasaang gagalaw si babgyong Nando papuntang west northwest na may bilis na 24kph.
Nag abiso ang PAGASA ng kalat kalat na pag ulan na may kasamang pagkulog at pagkildlat sa mga lalawigan ng Zambales, Bataan, Central Luzon, Mindoro, Palawan at kasama ang Metro Manila.
Nagbabala rin ang nasabing ahensya ng posibleng pag guho ng lupa at flash floods sa mga nabanggit na lugar.