Ganap nang bagyo ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Visayas area.
Ayon sa PAGASA huling namataan ang bagyo na pinangalanang Carina sa layong 195 kilometro Silangan ng Borongan City, Eastern Samar.
May taglay itong lakas ng hangin na umaabot sa 45 kilometro kada oras malapit sa gitna.
Inaasahang gagalaw ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 11 kilometers per hour.
Sinabi ng PAGASA na posibleng magdala ng malakas na ulan ang bagyong Carina sa bahagi ng Bicol region, Eastern Visayas at CARAGA region.
Sa ngayon ay wala pang storm signal na nakataas sa mga lugar sa bansa.