Dalawang Low Pressure Area o LPA ang binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA sa loob at labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ipinabatid ng PAGASA na ang LPA sa loob ng bansa ay huling namataan sa mahigit limandaang (500) kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur at maliit ang tiyansa nitong maging bagyo.
Samantala nasa mahigit dalawang libong (2,000) kilometro silangan ng Mindanao ang isa pang LPA na binabantayan ng PAGASA na nasa labas pa ng bansa.
Malaki naman tiyansa nito ayon sa PAGASA na maging ganap na bagyo kaya’t mahigpit nila itong mino-monitor.
Papangalanan itong basyang sa sandaling pumasok na sa bansa at maging bagyo na.
—-