Asahan nang magiging bagyo ang Low Pressure Area o LPA na binabantayan ng PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration sa silangang bahagi ng Mindanao.
Ipinabatid ng PAGASA na maaaring maging tropical depression ang naturang LPA sa loob ng 36 hanggang 48 oras.
Kapag naging bagyo ang naturang LPA ay papangalanang Nando na siyang ika-14 na bagyo sa taong ito.
Ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong halos 500 kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Partikular sa maaapektuhan ng malakas na pag-ulan ang Caraga at Davao.
—-