Mas palalakasin pa ng binabantayang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Bicol Region ang hanging habagat na siyang nagdadala ng pag-uulan sa malaking bahagi ng Luzon.
PANOORIN: 10AM weather update ng @dost_pagasa kaugnay sa binabantayan nilang low pressure area sa silangang bahagi ng Virac, Catanduanes | via @jaymarkdagala pic.twitter.com/URQiIvouhm
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 3, 2019
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,135 kilometro silangan ng Virac, Cantanduanes.
Wala itong direktang epekto sa anumang bahagi ng bansa, bagama’t pinalalakas nito ang habagat na nagdadala ng ulan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Zambales, Bataan, Pampanga, Metro Manila, Mimaropa at Calabarzon.
Habang nagdudulot din ng pag-uulan sa Visayas, Bicol Region, Caraga at Northern Mindanao ang buntot ng LPA.
Samantala, sa pagtaya ng PAGASA posibleng maging ganap na bagyo ang nabanggit na LPA bukas o Lunes at tatawaging ‘Hannah’.
Gayunman, hindi ito tatama sa kalupaan ng bansa.