Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang LPA o Low Pressure Area sa silangang bahagi ng Pilipinas bagama’t hindi pa ito maka-a-apekto sa alinmang panig ng bansa.
Batay sa pinakahuling datos mula sa weather bureau, namataan ang nasabing LPA sa layong 890 kilometro silangan, hilagang silangan ng Guiuan, Eastern Samar.
Kahit walang direktang epekto ang nasabing LPA sa weather system ng bansa, ang trough o malaking kumpol naman ng kaulapan ang siyang maka-aapekto sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao kaya’t asahan ang malalakas na pag-ulan dito.
Bagama’t hindi inaasahang lalakas ang nasabing LPA sa susunod na magdamag, posible naman itong maging isang tropical depression sa susunod na 2 hanggang 3 araw at tatawagin itong ‘Bagyong Dodong’.