Inaasahang papasok sa bansa mamayang gabi o bukas ng umaga ang LPA o Low Pressure Area.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong 1,700 kilometro silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na nagsimula nang lumakas ang nasabing LPA habang kumikilos patawid ng Pacific Ocean at posibleng sa mga susunod na araw ay makakaapekto na sa Bicol o Eastern Visayas.
Posibleng humina ang naturang LPA dahil sa amihan o northeast monsoon.
By Judith Larino