Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang binabantayang sama ng panahon.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang Low Pressure Area (LPA) sa layong 975 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar at kumikilos ito sa direksyong pa-hilaga kanluran.
Bagama’t mababa ang tiyansa nitong maging ganap na bagyo, inaasahang magdadala pa rin ito ng pag-ulan sa silangang bahagi ng bansa.
Samantala, inaasahan ang maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Bicol Region, Eastern Visayas, Dinagat Islands, Surigao Del Norte at Surigao Del Sur bunsod ng ‘trough’ o buntot ng LPA.
Habang patuloy na umiiral ang habagat sa western section ng hilagang luzon na magdadala rin ng pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang localized thunderstorms ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.