Inaasahang magiging ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na nakapasok na sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Huling namataan ng PAGASA ang nasabing sama ng panahon sa layong siyamnaraan at dalawampu’t limang (925) kilometro silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Sakaling maging ganap na bagyo, papangalanan itong bagyong ‘Vinta’ at inaasahang lalakas pa ito bago ganap na tumama sa kalupaan.
Dahil dito, patuloy na pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa Mindanao na mag – antabay sa mga ilalabas nilang abiso hinggil sa galaw ng naturang LPA.