Malaki ang posibilidad na maging ganap na bagyo ang binabantayang low pressure area (LPA) sa loob ng bansa.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang nabanggit na sama ng panahon sa layong 915-kilometro silangan ng bayan ng Virac, Catanduanes
Bagama’t hindi inaasahang tatama ito sa kalupaan ng Pilipinas, palalakasin pa rin nito ang southwest monsoon o habagat na magdadala ng ulan sa Zambales, Bataan, Metro Manila, Calabarzon, Mimaropa, Cordillera, ilang bahagi ng Ilocos Region at Central Luzon.
Makararanas naman ng maulap na papawirin na may kasamang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Bicol Region, Visayas, Caraga at Northern Luzon bunsod ng trough o buntot ng LPA.
Habang asahan naman ang bahagya hanggang sa maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pagulan sa nalalabi pang bahagi ng bansa.