Posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 72 hours oras sa biyernes ang low pressure area na binabantayan sa labas ng bansa.
As of 11 am kanina, huling namataan ang lpa sa layong 820 km silangan ng Eastern Visayas.
Bagaman wala pa itong direktang epekto sa bansa, pinag-ibayong Shearline at Intertropical Covergence Zone ang magdadala ng mahihina hanggang malalakas na pag-ulan sa Aurora, Quezon, at Eastern Visayas.
Uulanin din ang Cagayan, Isabela, Apayao, Nalalabing bahagi ng Central Luzon, Metro Manila, Rizal, Laguna, Central Visayas, Caraga, at Northern Mindanao pero hindi gaanong kalakasan.