Posibleng maging ganap na bagyo sa susunod na 24-oras hanggang 36-oras ang binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.
Ang nasabing LPA ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 200-kilometro silangan, timog-silangan ng Puerto Princesa City sa Palawan.
Ayon sa PAGASA, ang nasabing LPA ay maghahatid ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Bicol Region, MIMAROPA, Aurora at Quezon.
Kapag naging ganap na bagyo, ang LPA ay papangalanang ‘Quiel’.
Pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa apektadong lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o landslides.