Nakatutok ngayon ang operasyon ng militar upang masagip ang mga bihag ng Maute Group sa Marawi City.
Ayon kay Brig. General Restituto Padilla, spokesman ng AFP o Armed Forces of the Philippines, nakatanggap sila ng impormasyon na binabaril di umano ang mga nagtatangkang lumabas sa mga lugar na pinagkukutaan pa rin ngayon ng Maute Group.
Ito anya ang isa sa mga konsiderasyon kung bakit tila natatagalan pa silang mabawi ang kabuuan ng Marawi City.
“Hindi po natin titigilan hangga’t hindi po natin nakukuha bawat armadong indibidwal na nariyan pa ho sa loob ng Marawi na patuloy na nakikipag-bakbakan sa ating mga kasundaluhan at itong operasyon na ito ay malaki po ang konsiderasyon para sa mga naiiwan pang mga kababayan natin na na-trap upang makuha sila ng maayos.”
“Sa mga nakuha nating report wala na po talagang pinalalabas ang mga armadong ito sa loob, binabaril na rin sila maski sibilyan”, paliwanag ni Padilla.
By Len Aguirre