Ganap nang naging isang bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Baler, Aurora at tatawagin itong Bagyong ‘Perla’.
Batay sa 11 a.m. weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong ‘Perla’ sa layong 1,120-kilometers, silangan ng Casiguran, Aurora.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot naman sa 55 kph.
Magdadala naman ang Bagyong ‘Perla’ ng pag-ulan sa bahagi ng Batanes, Cagayan kabilang ang Babuyan Islands at Apayao sa Biyernes ng gabi o umaga ng Sabado.
Pinapayuhan naman ang mga maliliit na sasakyang pandagat na magiging mapanganib kung maglalayag sa northern at western seaboards ng Northern Luzon dahil sa posibleng maranasang maalong panahon dala ng northeasterly surface windflow.