Tumaas sa 83.81 billion pesos ang binayarang utang ng Pilipinas nitong Enero.
Kumpara ito sa 70 billion pesos na national debt sa kaparehong panahon, noong isang taon.
Ayon sa Bureau of Treasury, tumaas din ang interest payment sa 43.52 billion pesos noong Enero kumpara sa 42.35 billion dollars sa kahalintulad na taon noong 2017.
Ipinaliwanag ng ahensya na ang dahilan ng pagtaas ng interest payment ay resulta ng mas mataas na domestic interest payments.
Para sa taong 2018, naglaan ang national government ng 682.46 billion pesos para sa debt payments, kumpara sa 680.47 billion pesos noong isang taon.
—-