Aprubado na ng Malacañang ang binagong plano ng Department of National Defense (DND) para sa repatriation ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Middle East.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, maliit na grupo na lamang ng mga sundalo ang kanilang ipadadala sa halip na dalawang batalyon tulad ng naunang napagkasunduan.
Ipinaliwanag ni Lorenzana na sensitibo ang gitnang silangan kaya’t hindi makabubuti kung magpapadala sila ng maraming unipormadong sundalo.
Sinabi ni Lorenzana ang ipadadala nilang mga sundalo ay hindi unipormado at hindi magbibitbit ng armas.
Hindi rin aniya praktikal na magpadala ng maraming sundalo dahil malaking bahagi pa ng barkong gagamitin sa repatriation ang kanilang masasakop.