Binaha ang ilang lugar sa kalakhang Maynila bunsod ng naranasang pag-ulan sa magdamag.
Batay sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority – Flood Control, kabilang sa nakaranas ng pagbaha ang Edsa-Guadix Northbound sa Mandaluyong na umabot sa 8 pulgada.
Gutter Deep naman ang baha sa Rizal Avenue, Recto Avenue at Quirino Avenue – West Zamora, Taft Avenue corner Pedro Gil at United Nations Avenue at bahagi ng Quirino Avenue sa Maynila.
Binaha rin ang T. M. Kalaw, Fugoso Street, Bambang, España Venue corner Vicente Cruz Street, Pablo Ocampo corner Arellano St., Altura Street at Concha Street sa Maynila.
Gayundin sa Andrews Avenue at 12th Street sa Pasay City, Edsa Ortigas Northbound at South Bound at Dagat-Dagatan Avenue sa Caloocan City.