Isinailalim na sa Extreme Enhanced Community Quarantine ang ilang lugar sa bayan ng Binalonan, Pangasinan, dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kinumpirma ni Mayor Ramon Guico Jr. na epektibo simula kahapon ang mas mahigpit na ECQ makaraang magtala ng 10 karagdagang kaso.
Ang mga naka-hard lockdown ay ang zones 1 sa Barangay Linmansangan at Vacante; zone 2 sa Barangay San Pablo; Zone 3 sa Canarvacanan at zone 7 sa Capas, Poblacion at Sto. Niño.
Pinagbabawalan ang pagpasok at paglabas sa mga nasabing lugar habang ang Barangay health emergency response teams ang mamamahagi sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya.—sa panulat ni Drew Nacino