Isinailalim sa lockdown ang Biñan City sa Laguna matapos maitala ang kauna-unahang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
Dahil sa lockdown na sinimulan kahapon ng hatinggabi ang paglatag ng maraming checkpoint ang mga otoridad sa mga daan papasok at palabas ng lungsod.
Bukas naman ang mga supermarket at palengke mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga at 2:00 ng hapon hanggang 6:00 ng gabi para mga residente pinapayagang makabili ng kanilang mga kailangan.
Namamahagi rin ang pamahalaang lokal ng relief goods.
Ipinagbawal na rin ang dalaw sa mga preso at hindi na nakakapasok ng police stations ang walang suot na face mask.
Sinabi ni Biñan Mayor Arman Dimaguila na isang 58 anyos na babae ang unang kaso ng COVID-19 sa lungsod at wala itong travel history at March 16 ang suriin matapos makitaan ng sintomas.
Isinara na ang subdivision kung saan nakatira ang pasyente at nagsasagawa rin ng pag-disinfect ang mga otoridad sa lugar.
Sa ngayon ay mayroong 30 persons under investigation (PUI) at 230 persons under monitoring (PUM) sa lungsod.
Sinasabing bibili na rin ang Biñan City Government nang pang test sa COVID-19 para mabilis ang pagsuri ng mga posibleng nahawahan ng virus.
Bukod sa nasabing residente ng Biñan isang residente rin ng Sta. Rosa City ang nag positibo sa Covid-19 at ginagamot sa isang ospital sa Biñan.