Idineklara na ang state of calamity sa Biñan City, Laguna matapos ang epekto ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Sa City Resolution no. 105, nakasaad na pumalo na sa 1,359 pamilya o 5,620 indibidwal ang nananatili sa 16 na evacuation center sa lugar.
Nakaranas din ng malalim na pagbaha ang 11 barangay sa Biñan kabilang ang Casile, Dela Paz, Malaban, Mamplasan, Platero, San Antonio, San Jose, San Vicente, Sto. Tomas, San Antonio, at Sto. Niño.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng clearing operation sa lugar ang City Disaster Risk Reduction Management Office lalo na sa mga kalsadang malapit sa city plaza at palengke.