Inihalal ng mga miyembro ng kamara si Biñan City, Laguna Representative Marlyn ‘Len’ Alonte bilang deputy speaker.
Ito’y sa gitna ng isinagawang plenary session ng kamara.
Dahil dito, 33 na ang kabuuang bilang ng mga deputy speakers sa Mababang Kapulungan.
Bukod kay alonte, iniluklok din si Quezon City Representative Jesus ‘Bong’ Suntay bilang deputy majority leader.