Binigyang-pagkilala ng Philippine National Police (PNP) ang security guard na napatay sa pamamaril sa Ateneo De Manila University.
Ayon kay PNP Civil Security Group Director, Maj. Gen. Jesus Cambay Jr., ginawaran ng Blue Guards Special Action Medal si Jeneven Bandiala bilang pagkilala sa dedikasyon nito sa tungkulin.
Ngayong araw, Agosto 4 ay iuuwi na sa Lopez Jaena, Misamis Occidental ang labi ni Bandiala.
Bukod sa guwardya, patay din sa pamamaril noong July 4 si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay at aide nitong si Victor Capistrano.
Suspek sa shootout si Dr. Chao Tiao Yumol na sinampahan na ng kaso at kasalukuyang nakapiit sa Quezon City Jail.