Nawawala pa rin ang 14-anyos na binatilyong huling nakasama ni Carl Angelo Arnaiz na napatay umano ng mga pulis sa Caloocan City.
Ito ang kinumpirma ni PAO o Public Attorney’s Office Chief Atty. Percida Rueda – Acosta bagama’t hindi pa rin nila matukoy ang pagkakakilanlan nito.
Sinasabing kasamang nawala ni Arnaiz ang binatilyo sa loob ng sampung araw hanggang sa matagpuan ang bangkay ni Carl sa morgue.
Bagay na mariin namang itinanggi ng Caloocan Police at iginiit na walang kasama si Carl kung ang pagbabatayan ay ang spot report ng pulisya.
Ayonkay C/insp. Illustre Mendoza, OIC Chief ng Caloocan PNP, wala nang ibang naghahanap sa kanila sa 14 anyos na binatilyong kasama umano ni Carl maliban sa ina nito.
By Jaymark Dagala
SMW: RPE