Patay ang 15-taong gulang na binatilyo matapos masagasaan ng tren ng PNR o Philippine National Railways sa España, Maynila.
Ang hindi pa natukoy na biktima ay nakaladkad hanggang 150 metro ang layo matapos masagasaan ng tren habang papatawid sa riles.
Ang nasabing biktima na nag-aaral umano sa TESDA ay sinasabing naka-head set kaya’t maaaring hindi nito narinig ang busina ng tren.
—-