Mabilis na nasagip ang isang binatilyo ng tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) matapos tangayin ng malalaking alon sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Ayon sa pulisya, naliligo ang binatilyo sa dagat ng hampasin ng naglalakihang mga alon dahilan para tangayin at mapalayo sa pampang.
Maagap namang nagtulong-tulong ang mga residente at awtoridad.
Hindi rin nakaiwas ang mga tauhan ng PCG at tinatangay din sila ng malalaking alon ngunit walang takot na sinuong ng mga ito ang alon para maisalba ang lalaki.
Gamit ang lifevest at lubid na nakatali sa kanyang katawan, unti-unti niyang nalapitan ang binatilyo at nahawakan habang nakaalalay sa kanya ang ilang mga residente at iba pang tumulong sa rescue operations.
Nasa maayos namang kondisyon ang binatilyo at nakauwi na rin sa kanyang pamilya.