Nagtabla sina Vice President Jejomar Binay at Senador Grace Poe sa December 12 to 14 survey ng SWS o Social Weather Stations.
Kapwa nakakuha ng 26 percent sina Binay at Poe sa may 1,800 respondents.
Pumapangalawa kina Binay at Poe si Secretary Mar Roxas na may 22 percent, Davao City Mayor Rodrigo Duterte na may 20 percent at Senador Miriam Santiago, 4 percent.
Kabilang sa mga napansin sa resulta ng SWS survey ang pag-angat ni Roxas mula pang-apat tungo sa pangalawang puwesto at pagbaba ni Duterte mula una patungo sa ikatlong puwesto.
By Len Aguirre