Inamin ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na hindi pa rin maaaring masampahan ng kaso si Vice President Jejomar Binay.
Ito’y sa sandaling palarin si Binay na mahalal bilang pangulo ng bansa sa susunod na taon.
Ayon kay Morales, malinaw ang isinasaad sa Saligang Batas ang pagkakaroon ng immunity from suit ng punong ehekutibo ng republika.
Gayunman, sinabi ni Morales na naka-umang pa rin ang mga kasong ibinabato laban kay Binay kung manalo at isasampa nila ito sa sandaling matapos na ang termino.
Nilinaw din ni Morales na bagama’t impeachable official si Binay dahil hinalal ito, hindi pa rin siya maaaring sampahan ng impeachment dahil sa hindi pa pasok dito ang mga aligasyon ng katiwaliang ipinupukol laban sa pangalawang pangulo.
By Jaymark Dagala