Dapat ay masusing makipag-tulungan ang Inter – Agency Task Force sa mga Local Government Units sa National Capital Region.
Ito, ayon kay Senator Nancy Binay, ay dahil bukas ay isasailalim na sa alert level 3 ang Metro Manila kung saan marami ng negosyo ang magbubukas at luluwagan na ang pinatutupad na restrictions.
Mahalaga anyang i-check ng IATF kung handa na ang mga health at safety measures na ipatutupad sa mga magbubukas na establisyimento.
Dapat ding malinaw at hindi magkasalungat ang ipatutupad na patakaran sa NCR sa lahat ng age groups upang hindi maging magulo.
Iginiit ng senadorna kahit nakalatag lahat ng protocols, mababalewala umano ito kapag may isang infected o asymptomatic na makalusot at makapanghawa.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)