Umapela ang kampo ni Vice President Jejomar binay kay Pangulong Benigno Aquino III na tutukan muna ang eleksyon bago ang pulitika.
Ayon kay Joey Salgado, Media Affairs Officer ni Binay, mas dapat pagtuunan ng pansin sa ngayon ng Pangulo ay kung paano matitiyak na ligtas, malinis at mapayapa ang halalan.
Hindi rin aniya makabubuti para sa bansa ang panawagang pagkakaisa ng Pangulo kung panay din ang pagbato ng putik ng mga nasa adminisrasyon sa mga kalaban.
Binigyang diin pa ni Salgado na dapat igalang ng lahat kung anuman ang magiging resulta ng halalan na isinagawa sa malinis na paraan.
By Jaymark Dagala