Nag-iba ang tono ni Vice President Jejomar Binay ukol sa mga nangyaring pag-abuso sa ilalim ng rehimeng Marcos.
Kasunod ito ng bago na namang kasong inihain ng mga human rights victim sa laban kina former First Lady Imelda Marcos at anak nitong si Senator Bongbong Marcos.
Ayon kay Binay na dating human rights lawyer, tama na ang paghihiganti at dapat ay mag-move on na ang lahat sa nakalipas.
Sinabi pa ni Marcos na iba naman ang si Senator Marcos sa kanyang ama si dating Presidente Ferdinand Marcos.
Si Binay ay miyembro ng Movement of Attorneys for Brotherhood , Integrity and Nationalism o MABINI na aktibong lumaban sa diktadurya ni Marcos.
Habang maugong naman na lumulutang ngayon na si Senator Bongbong Marcos ang makakatandem ni Binay sa eleksyon 2016.
Kaugnay nito, nalalapit nang ianunsyo ang makaka-tandem ni Vice President Jejomar Binay para sa Eleksyon 2016.
Bigo naman pangalanan ni Binay kung sinu- sino ang pinagpipilian ng United Nationalist Coalition o UNA.
Ayon kay Binay, ayaw niyang madamay ang mapipiling VP niya sa ginawang demolition job laban sa kanya.
Ngunit pag-amin ni Binay kabilang sa ikinukonsidera ay si Senator Bongbong Marcos.
Una nang sinabi ni UNA Interim President Toby Tiangco na posibleng sa katapusan ng buwan ay ianunsyo na ang Vice Presidential bet ng kanilang partido.
By Rianne Briones