Nanguna si Vice President Jejomar Binay sa pinakabagong pre election survey ng Social Weather Stations.
Nasungkit ni Binay ang 29 percent na boto ng mga respondent na 5 puntos lamang ang lamang kina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senadora Grace Poe na nagtabla sa ikalawang pwesto.
Kapwa nakakuha sina Duterte at Poe ng 24 na porsyento.
Habang ang pambato ng administrasyon na si Mar Roxas nakakuha lamang ng 18 percent at 4 percent naman ang pumabor kay Senadora Miriam Defensor Santiago.
Ang naturang survey ay isinagawa nuong Pebrero 5 hanggang Pebrero 7 sa may 1,200 rehistradong botante.
Ito’y kung saan tinanong ang mga respondents kung sino ang kanilang ibobotong pangulo kung ngayon na gaganapin ang eleksyon.
By: Ralph Obina