Nanawagan si Sen. Nancy Binay sa pamahalaan na payagan na ang pagbabalik ng transportasyon para makatulong sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Binay na sa halip na dagdagan ang kapasidad ng mga bumibyahe ngayon, bakit hindi na lang dagdagan ang mga payagang sasakyan para mas lalong marami ang makinabang.
Ani Binay, pangunahing problema pa rin ngayon ng labor force ay kung papaano silang makakapasok kung walang sapat na transportasyon.
Magandang halimbawa umano rito ay kung papaanong tinugunan ng vietnam ang COVID-19 at hindi lang umasa sa pagdating ng bakuna.