Pumangatlo na lamang ang dati ay nangunguna sa presidential survey na si Vice President Jejomar Binay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS.
Patuloy naman sa pangunguna ang baguhang si Senadora Grace Poe base sa resulta ng pinakahuling survey ng SWS na isinagawa noong unang linggo Setyembre.
Umangat naman sa ikalawang pwesto si administration standard-bearer Mar Roxas na inungusan si Vice President Binay na nasa pangatlong pwesto na lamang.
Sa nasabing survey, nakakuha si Poe ng 47% na nakakuha ng 5 percentage points mula 42% noong June.
Sa tatlong deklaradong Presidential candidates, si Roxas ang malaki ang iniangat sa voters’ preference – mula 21% noong June ay naging 39% nitong Setyembre na nakapagtala ng 18-percent point increase.
Hindi naman nagbago statistically ang voters’ preference para kay VP Binay na may 35%, mula 34% noong June.
By Mariboy Ysibido