Hindi naiwasan ni Sen. Nancy Binay na punahin ang ribbon cutting ceremony at photo ops sa isinagawang inagurasyon sa bagong bukas na health institute sa Quezon City.
Dinaluhan ni Sen. Bong Go, Health Sec. Francisco Duque III, at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang nasabing inagurasyon.
Sa Twitter post ni Binay, nakiusap itong kung maaari ay buksan na lang agad ang naturang pasilidad upang magamit din agad ng mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patient na lumalaban para sa kanilang buhay.
Ani Binay, sa panahon ngayon, hindi na kailangan ang mga ganitong klaseng aktibidad gaya ng ribbon cutting at photo ops.
Ang bagong bukas na Quezon Institute Offsite Modular Hospital ay extension ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center kung saan kayang makapag-accommodate ng 110 pasyente.