Posibleng himukin ni Senate President Tito Sotto na palipatin sa kanilang hanay sa Nationalist People’s Coalition o NPC ang on leave president ng United Nationalist Alliance o UNA na si Senator Nancy Binay.
Ayon kay Sotto, isa sa mga senior leader ng NPC, susubukan niyang ligawan si Binay upang maging opisyal na nila itong miyembro.
Pero meron kami katulong din ng NPC na gusto naming ligawan na maging miyembro na rin tulad ni Nancy, Pia at Angara. Meron kami announcement… Kasi ang gusto namin, lahat ng nasa line up unanimous ang support, merong di popular sa kanila, ayaw nilang dalhin kami na lang on the personal level ang magdadala sa kanila.
Gayunman, hindi aniya nila matiyak sa partido kung papayag si Binay na mapabilang sa NPC.
Samantala, kabilang din sa posibleng mapabilang sa line-up ng NPC sina dating Senate President Juan Ponce Enrile at dating Senador Jinggoy Estrada sa 2019 midterm elections.