Kinumpirma ng search committee ng United Nationalist Alliance o UNA, na kasama sa kanilang ikinukunsiderang maging running mate ni Vice President Jejomar Binay, si Senator Miriam Defensor-Santiago.
Ayon kay Congressman Danilo Suarez, miyembro ng UNA search committee, kanya nang nakausap ang asawa ng senadora na si Jun, kaugnay sa posibilidad ng pagtakbo sa 2016 ng kanyang maybahay.
Sinabi ni Suarez na ayon kay Jun, ang pagpapasya ng senadora ay nakadepende sa clearance sa doktor na nagbibigay sa kanya ng gamot laban sa cancer.
Sa ngayon ay inoobserbahan pa ang reaksyon ng katawan ng senadora, sa bagong gamot na ibinibigay dito.
By Katrina Valle | Allan Francisco