Nagbukas ng tig-dalawang gate ang Ambuklao at Binga Dam sa Benguet.
Ayon sa PAGASA, ang water level sa Ambuklao dam, alas-sais ng umaga ay nasa 751.52 meters o malapit na sa 752-meter Normal High Water Level (NHWL).
Samantala, ang water level ng reservoir ng Binga dam ay nasa 574.22 meters at halos malapit na sa 575 meter NHWL.