Balik-bansa na si Binibining Pilipinas Universe 2017 Rachel Peters.
Ito ay matapos ang kanyang pagsabak sa Miss Universe pageant na ginanap sa Las Vegas kung saan ay nagtapos ito sa top ten.
Ayon kay Peters, prayoridad niya sa ngayon ay ang makapiling ang kanyang pamilya kung saan ay sama-sama aniya nilang ipagdiriwang ang nalalapit na Pasko.
Nais din ni Peters na makapag-relax muna matapos ang pagsabak niya sa Miss Universe pageant.
(Photo from: Raoul Esperas)