Iimbestigahan ng Senate Committee on Public Services ang pahayag ng Department of Transportation o DOT na hindi magagamit ang 48 train na binili sa China dahil sa mahinang signalling system.
Ayon kay Committee Chair Grace Poe, malaking kasalanan na hindi magamit ang mga nasabing LRV’s o Light Rail Vehicles kaya’t dapat managot ang sinumang nag apruba sa pagbili nito.
Sinabi ni Poe na halos P4-B ang halaga ng mga nasabing tren na hindi mapapakinabangan ng mga pasahero.
Inip na inip na aniya siyang maibsan ang pagdurusa ng mga sumasakay sa MRT subalit hindi naman uubrang gamitin ang mga nasabing tren kung hindi ito ligtas gamitin.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno