Nagsisimula nang dumugin ng mga mamimili ang mga bilihan ng pampaswerte sa binondo ngayong papalapit na ang Chinese New Year.
Sa kabila nito, nabatid na doble ang itinaas ng presyo ng mga panindang pampaswerte ngayong taon kung ikukumpara sa selebrasyon ng Chinese New Year ng nakaraang taon.
Mabibili ang kiat kiat na may pinya sa halagang P80 mula sa dating P70.
Ayon sa mga nagtitinda, dahil year of the Dragon ngayong taon, mabenta rin ang dragon fruit, red beans, cheese, chorizo at tikoy supreme at naglalaro ang mga presyo nito sa P280 – P408.
Ang small tikoy ay mabibili sa halagang P180- P235 ang medium tikoy at P285 ang large, habang P52 -P70 naman presyo ng hopia.
Bukod dito, patok din sa mga mamimili ang mga lucky charm na mabibili sa presyong P150- P400. – sa panunulat ni Maianne Dae Palma