Inihayag ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na matatapos na ang binondo-intramuros bridge sa unang kalahati ng taon.
Ayon sa DPWH, ang nasabing proyekto ay ginastusan ng 3.39 billion pesos ay at target itong buksan sa Holy Week, sa buwan ng Abril.
Sinabi naman ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na sa sandaling buksan, nasa 30,000 na sasakyan ang maaring ma-accommodate nito kada araw at inaasahan din na makakabawas ito ng trapiko sa mga babagtas sa pagitan ng Binondo at Intramuros.
Sinabi ni Huang, na kabuuang limang tulay ang itatayo sa kahabaan ng Pasig River, kung saan isa ang nakumpleto na habang tatlong iba pang tulay ang inaasahang makukumpleto sa susunod na taon. – sa panulat ni Mara Valle