Bubuksan na sa publiko ngayong araw ng Department of Public Works and Highways ang Binondo – Intramuros bridge, sa Maynila.
Ayon kay DPWH undersecretary Emil Sadain, “all systems go” na ang ahensya para sa ceremonial launching ng tulay na inaasahang magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa lungsod, maging sa Metro Manila.
Mas magiging mabilis na rin anya ang pagbiyahe mula at patungong Binondo at Intramuros na pinaka-sentro ng kalakalan sa Maynila at inaasahang nasa 30,000 motorista ang makikinabang kada araw.
Samantala, inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa Binondo-Intramuros bridge.