Nakatakda nang buksan sa publiko sa Mahal na Araw ang Binondo-Intramuros Bridge Project ng Department of Public Works and Highway.
Ayon kay DPWH Secretary Roger Mercado, nasa 90% ng kumpleto ang tulay na matatagpuan sa Pasig River sa bahagi ng lungsod ng Maynila.
Inaasahan anyang makababawas sa oras ng biyahe sa pagitan ng Binondo, Intramuros, Santa Cruz at iba pang bahagi ng Maynila ang 680 meters na Bridge Project.
Tinatayang 30K sasakyan at motorista kada araw ang makikinabang sa proyekto bukod pa sa espasyo para sa mga pedestrian at nakalaang lane para sa mga siklista.
Ang P3.39B Binondo-Intramuros Bridge na sinimulang itayo noong July 2018 ay pinondohan sa tulong ng gobyerno ng China.