Sa unang quarter na ng susunod na taon inaasahang mabubuksan sa mga motorista ang Binondo-Intramuros bridge project sa Maynila.
Ayon kay Public Works and Highways Secretary Mark Villar, nasa 77% nang kumpleto ang naturang proyekto.
Bagaman nagambala ng COVID-19 pandemic ang pagtatayo ng tulay, nagsagawa naman ang DPWH at kontraktor na China Road and Bridge Corporation ng pro-active at preventive measures.
Ang konstruksyon ng tulay na nagkakahalaga ng P3.39 bilyon ay pinondohan sa pamamagitan ng china aid grant.
Layunin nitong mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa Binondo, Sta. Cruz, Port Area, Ermita at iba pang bahagi ng Maynila. —sa panulat ni Drew Nacino