Inihayag Department of Public Works and Highways (DPWH) na nasa 50% na ang natatapos sa ginagawang Binondo-Intramuros bridge project sa Maynila na target makumpleto sa paparating na Setyembre.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, ang naturang proyekto ay magsisilbing ‘iconic landscape’ na siyang magkokonekta sa Binondo at Intramuros sa lungsod.
Bukod pa rito, ani Villar ang naturang tulay ay magsisilbi rin aniyang matibay na kooperasyon sa pagitan ng pilipinas at china.
Samantala, oras na matapos ang naturang proyekto, inaasahang maseserbisyuhan nito ang nasa 30,000 mga sasakyan kada araw at mababawasan din ang sikip ng trapiko.